4 na miyembro ng Tau Gamma Phi, sasampahan ng kaso ng QCPD dahil sa isang fatal hazing

Magsasampa ng kaso ang Quezon City Police District (QCPD) laban sa apat na miyembro ng Philippine College of Criminology chapter ng Tau Gamma Phi fraternity dahil sa fatal hazing ng fourth-year criminology student na si Ahldryn Bravante.

Ayon sa hepe ng QCPD na si Brig. General Redrico Maranan, sinimulan na rin ng mga imbestigador ng QCPD na subaybayan ang iba pang miyembro ng Tau Gamma Phi na maaaring maiugnay din sa pagkamatay ni Bravante.

Sa ngayon, nasa kostodiya na ng Criminal Investigation and Detection Unit ang apat na suspek, na kakasuhan sa paglabag ng Republic Act 11053 or the Anti-Hazing Law.

Kinilala ang mga ito na sina Justine Artates, Kyle Michael Cordeta, Lexer Angelo Manarpies, at Mark Leo Andales.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *