4 na nagtotong-its, arestado sa Ibaan, Batangas

IBAAN – Nakadetina ngayon ang apat na mga indibidwal matapos na maaresto ng mga awtoridad dahil sa paglalaro ng Tong-its sa Brgy. Calamias, Ibaan, Batangas, pasado 2:00 ng hapon ng Miyerkules, Mayo 5, 2021.

Kinilala ng Ibaan Municipal Police Station ang mga naaresto na sina George Bathan, 59 anyos; Reynaldo Rabino, 49; Manolito Rosima, 43 anyos, pawang mga residente ng naturang barangay at Wenceslao De Castro, 56 anyos, residente ng Brgy. Tulay, Ibaan.

Ayon sa imbestigasyon, aktong naabutan ng mga awtoridad ang apat na naglalaro ng ipinagbabawal na Tong-its.

Narekober mula sa kanila ang dalawang set ng baraha at tayang nagkakahalaga ng 480 pesos.

Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang ginamit nilang dalawang mesa at apat na mga plastic na upuan bilang bahagi ng mga ebidensya.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 o “Prescribing Stiffer Penalties On Illegal Gambling”. | Mike Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *