4 na Palaweño na na-rescue mula sa Malaysia, makakauwi na ngayon sa mga pamilya

Makakauwi na sa kani-kanilang pamilya ang apat na mga Palaweño na na-rescue ng MDRRMO Balabac mula sa Bangi sa bansang Malaysia.

Sila ang mga Palaweño mula sa bayan ng Roxas na nagtrabaho sa Bangi bilang Planter sa isang Palm Oil Company.

Dalawa sa kanilang kababayan ang nagkasakit sa Malaysia bago namatay dulot ng “food poisoning” na kasama sana nilang umuwi ngayon.

Ngayong araw ng Biyernes, sa tulong ni Balabac Mayor Shuaib Astami ay patungo na ngayon sa bayan ng Roxas ang mga ito na umalis sa Poblacion ng Balabac kaninang alas-dos ng hapon.

Samantala, lubos naman ang kanilang pasasalamat sa lahat ng mga tumulong sa kanila para makauwi ng ligtas mula sa pinagtrabahuan kung saan biktima sila ng illegal recruitment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *