Naiuwe na sa bansa ang bangkay ng apat na Pilipinong nasawi sa sunog na sumiklab sa isang pabrika ng pagkain sa Taiwan noong April 25.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, pasado alas dose ng hatinggabi kahapon ng dumating sa cargo terminal ang labi ng mga biktima.
Bukod sa mga pamilya ng nasawi at OWWA, kasama rin sa mga sumalabong ang mga tauhan ng Manila Economic and Cultural Office.

Naendorso na rin sila sa apat na regional offices ng OWWA upang maiuwe sa kani-kanilang lalawigan.
Ang bawat pamilya ng mga namatay ay makakakuha ng kabuuang P220,000 bilang death at burial benefits , habang ang mga anak ng namatay na migrant workerS ay bibigyan ng education assistance.//CA