4 na SLPA nakatanggap ng mahigit P1.1M na seed capital fund

Natanggap na ng apat na Sustainable Livelihood Program (SLP) Association ang kanilang tseke o Seed Capital Fund na nagkakahalaga ng mahigit P1.1M sa ilalim ng Zero Hunger Program.

Ang SLP association ay kinabibilangan ng Agriville SLP Association na may 29 na miyembro at nakatanggap ng P435K; Blessed Village SLP Association na may 10 miyembro na nakatanggap ng P150K; Purok 4 Ext Cambulaga SLP na may 27 miyembro na nakatanggap ng P405K at ang Buhatan River Cruise & Pasalubong na may 10 miyembro at nakatanggap ng seed capital fund na P150K.

Ang awarding of cheque ay naisagawa sa tulong ng Provl Govt of Sorsogon, LGU Sorsogon City, Presidential Commission for the Urban Poor, DTI, Enhanced Partnership against Hunger and Poverty at ng National Housing Authority.

Ang Zero Hunger Program ay programa ng Pamahalaan ng Pilipinas na may layunin na malutas ang kagutuman at kahirapan.

Magiging lead agency dito ang DSWD at makakatuwang ang mga ahensya ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga programa at proyekto  upang makamit ang foos security para malabanan ang gutom at kahirapan.

Ang SLP naman ay isang capability-building program ng DSWD na may layunin na mapabuti ang kakayahan ng mga mahihirap upang sila ay umasenso sa buhay sa pamamagitan ng pagbigay ng angkop na tulong para sa kanilang kabuhayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *