4 na suspek na nasa likod ng nasabat na P1.2M na marijuana bricks sa Quezon, Isabela; posibleng miyembro ng drug syndicate

Posible umanong miyembro ng malaking sindikato na sangkot sa illegal drug trade sa kalakhang Maynila ang mga naarestong apat na kalalakihan na nasamsaman ng marijuana bricks sa Brgy. Alunan, Quezon, Isabela kahapon, June 27, 2021.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLTCol. Eugene Mallillin, Chief ng Provincial Intelligence Unit, IPPO, una na rin umanong nakapag-transport ang mga suspek ng marijuana mula sa Kalinga province patungong Maynila.

Bago ang pagkakaaresto sa mga ito ay nakatanggap na rin ng impormasyon ang PIU ng impormasyon mula sa ibang intelligence units kaugnay sa isang behikulo na nakapasok sa Isabela patungong Kalinga at nakatakdang magbyahe ng marijuana.

Dahil dito ay agad na naglatag ng continue hot pursuit operation ang PNP Quezon katuwang ang PIU, PDEA Region 2 at iba pang operatiba na nagresulta sa pagkakaharang sa behikulo at nasabat ang nasa 10 marijuana bricks na nagkakahalaga ng 1.2 milyong piso.

Maliban dito ay nakuha rin sa kanilang pag-iingat ang isang yunit ng kalibre 38 na baril.

Ayon pa kay PLTCol. Mallillin, napag-alaman din na peke ang dalang RT-PCR test at travel documents ng mga suspek.

Kaugnay nito ay inatasan na ang mga Hepe na paigtingin pa ang pagbabantay sa mga QCP at suriin nang maigi ang travel documents ng mga pumapasok sa probinsya.

Samantala, inaalam na rin umano ng Kalinga PPO ang taong katransaksyon ng mga nahuling drug personality.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *