4 na tauhan ng SWAT sa Pasig na namataan sa isang private event, ni-relieve muna sa pwesto

Ni-relieve muna sa pwesto ang 4 na tauhan ng Special Weapons and Tactics o SWAT sa Pasig na namataan sa isang private event sa nabanggit na lungsod.

Sa paliwanag ng Pasig SWAT, inalis sa pwesto ang 4 para bigyang daan ang imbestigasyon.

Nilinaw din nila na hindi nagsilbing security ang 4 na tauhan ng SWAT sa soft launching ng isang networking company noong June 22 sa isang gusali sa San Antonio, Pasig.

Paliwanag nya, hindi galing Batangas ang SWAT dahil Pasig SWAT team ang mga sangkot sa alegasyon.

Nagsasagawa umano sila ng mobile patrol nang lapitan sila ng isang babae at abisuhan sa event sa lugar.

Pumunta umano ang mga tauhan ng SWAT sa gusali kung saan tyempo silang na picturan.

Paliwanag ng SWAT, in good faith ang pagdating ng SWAT sa lugar at wala silang escort service na ginawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *