4 patay, 7 sugatan sa pagsabog ng dinamita sa Masbate

SORSOGON CITY – Apat ang patay, habang 7 ang sugatan sa pagsabog ng dinamita sa Brgy Pajo sa bayan ng Balud, Masbate.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Lina Boco Recto, Brgy Chairman ng nasabing barangay, Mac-Mac Dela Cruz, Ronelyn Banez Bulala at Aisa Sese.

Sa ulat, bandang 12:55 ng tanghali kanina, isang malakas na pagsabog ang narinig sa bahay mismo ni Kapitan Recto.

Ang pagsabog ay ikinasugat din nina John Paul Villaruel Badahos, 12-anyos; Chris Villruel Bagaipo, 7-anyos; Ivan Canones Mahilum, 20-anyos; Junvin Villaruel Badahos, 24-anyos; Tessie Villaruel Badahos, 59-anyos; Leonard Recto Amistoso, 42-anyos at Ruel Chavez Hentica, 26-anyos.

Sa panayam ng Brigada News FM-Sorsogon sa Masbate Provincial Investigation, Detection and Management Branch, umano’y patuloy pa ang pag-iimbestiga ng kanilang PECU (Provl Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit).

Tumanggi din na kumpirmahin ng nasabing opisina na ang mga sumabog na dinamita ay patagong ginagawa ng mga biktima para gamitin sa pangingisda o nag-imbak lamang ang mga ito ng nasabing pampasabog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *