4 katao patay sa pamamaril sa Thailand

Hindi bababa sa 4 katao ang napatay sa pamamaril sa southern Thailand.

Nagsimula ang pag-atake sa Khiri Rat Nikhom district sa Surat Thani province humigit kumulang 600 kilometro mula sa Bangkok.

Ayon sa pulisya, nangyari ang pamamaril nang hindi pa nahuhuling suspek malapit sa isang bahay sa nabanggit na lugar.

Ang Thailand ay may mataas na gun ownership rates at naitala ng mga awtoridad ang sunod-sunod na marahas na insidente sa nakalipas na 12 buwan.

Noong nakaraang buwan, tatlo katao ang namatay habang tatlo ang sugatan sa pamamaril sa isang lalawigan matapos ang 15 oras na stand-off.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *