4 PNP generals, colonels pinasisibak ng five-man panel dahil sa kalakaran ng illegal drugs

Inirekumenda na ng five-man advisory group ang pagsasampa ng kasong administratibo sa ilang mga matataas na opisyales ng Philippine National Police (PNP) na nakitaan na may kaugnayan sa iligal na droga.

Ayon sa chairman ng panel na si dating PNP chief ret. Gen. Rodolfo Azurin, matapos ang review nila sa mga courtesy resignations – dalawang police generals at police colonels ang posibleng mayroong kamay sa illegal drug trade.

Aniya, inirekumenda nila ang pagtanggap sa resignations ng mga ito.

Ang apat na naturang mga policemen ay bahagi sa inisyal na bilang na 36 officers na maaaring may kaugnayan sa droga.

Sa ngayon, nasa kamay na raw ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang kahihinatnan ng administrative charges sa mga ito.

Bago ito, una nang sinabi nina Azurin at ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda na hindi na muna nila papangalanan ang mga pulis hanggat wala pang naisasampang kaso laban sa kanila. // LGD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *