4 regions sa Ukraine pabor na umanib sa Russia

Idineklara ng Russia ang tagumpay sa apat na “referendums” sa mga Russian-held regions sa Ukraine para tuluyang sumanib sa Russia.

Ayon sa Moscow-installed officials sa apat na region, halos buong buo ang suporta ng mga nakiisa sa botohan para maging annex ng Russia.

Hindi naman ito kinilala ng Ukraine government at mga kaalyado nito kasabay ng paninindigan na hindi ito kinikilala ng international community.

Kabilang sa mga rehiyon sa referendum ang Donetsk, Luhansk, Kherson at Zaporizhzhia. Napag-alaman na ang mga refugees sa Russia ay nakaboto sa mga polling stations kabilang na sa Crimea na una nang na-annexed ng Russia noong 2014.

Kaugnay nito ay lumutang ang mga report na nakatakdang i-anunsyo ni Russian President Vladimir Putin ang annexation sa apat na rehiyon sa kanyang speech sa joint session ng Russia’s parliament sa Biyernes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *