4 sugatan kabilang na ang isang sanggol sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Roxas

Sugatan ang mga sakay ng dalawang motorsiklo matapos na magbangaan sa Bgy.  San Nicolas Roxas Palawan bandang alas kwatro ng hapon nitong Linggo, ika-25 ng Disyembre 2022.

Kinilala ng Roxas PNP ang mga sangkot na sina Alfredo Madarcos Llanera, 29 anyos na minamaneho ang isang Honda Beat at ang angkas nito na si Judy Merll Castillo, 22 anyos

Habang ang nakabangaan nito ay sina Isidro Formentera, 28 anyos habang angkas nito si Joan Fernandez at ang sampung buwan na sanggol.

Ayon sa PNP, mabilis ang pagpatakbo ni Isidro na nasa impluwensya umano ng alak dahilan para sakupin nito ang linya ng kasalubong sa pababang bahagi ng kalsada.

Samantala, ‘minor injuries’ lamang ang tinamo ni Formentera at ng sampung buwang gulang na anak habang bali naman ang tinamo ng kanyang angkas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *