4 years old  na bata sa Australia nakulong sa loob ng claw machine matapos tangkaing  magnakaw ng isang teddy bear

INSTANT Celebrity ang 4 years old na batang babae sa Australia na si Poppy Pearson matapos itong ma trap sa isang claw machine sa pagtatangkang magnakaw ng isang stuffed toy na teddy bear.

Umani ng samot- saring reaksyon ang video ng bata matapos itong kumalat at mag- viral sa ibat-ibang social media.

Ayon sa mga magulang pawang bungisngis na lamang ang naging unang reaksyon nila dahil sa kakulitan at kalokohan ng kanilang anak.

Napalabas ang bata sa tulong ng ama nito na isa palang karpintero kaya hindi na naging mahirap para sa mga magulang na mapalabas ang kanilang anak sa nasabing claw machine dahilan para hindi na sila kumunsulta pa ng tulong sa management ng Airlie Beach Fun Fair kung saan nangyari ang insidente.

Matapos ang nangyare hindi pinalampas ng mga magulang nito na pangaralan ang bata sa mga hindi magandang kahihinatnan ng pagnanakaw.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *