40 anyos na lalaki, arestado sa drug buy-bust operation sa Tabaco City, Albay

Tiklo ang 40 anyos na lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation sa P-1A, Brgy. San Vicente, Tabaco City, Albay.

Kinilala ang suspek na si Jayson Maquiñana Arevalo, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, hapon nang magsagawa ang Tabaco CPS ng isang operasyon anti-illegal drugs operation sa lugar laban sa suspek.

Kumagat sa pain ang suspek matapos nitong pagbentahan ang poseur buyer ng isang small heat-sealed plastic sachet na pinaniniwalaang “shabu.”

Nang magkaabutan na ng item, dito na hinuli at narekober sa kanya ang isang pakete ng suspected “shabu’ na may timbang na 0.65 grams na nagkakahalagang PHP 4,420 at perang ginamit bilang buy-bust money na may halagang PHP 3,000.

Ang naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *