40-anyos na lalaki, nalunod-patay sa Real, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos umano itong malunod sa isang beach resort sa Barangay Lubayat, Real, Quezon nitong Linggo, Abril 9.

Kinilala ang biktima na si Ryan B. Mallari, 40-anyos, fork clip operator at residente ng Barangay Cogeo, Antipolo, Rizal.

Ayon sa report, naglalangoy umano sa tabing dagat ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan nang tangayin ang mga ito ng malakas na alon ng dagat patungo sa malalim na bahagi ng tubig na nagresulta sa pagkakalunod ng biktima.

Agad namang isinugod sa hospital ang biktima subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Kasalukuyang nakahimlay ang mga labi ng biktima sa Claro M. Recto District Hospital sa Infanta, Quezon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *