40 katao, nasawi habang 60 sugatan dahil sa 5.9-magnitude na lindol sa Afghanistan

Nasawi ang nasa 40 katao dahil sa 5.9-magnitude na lindol na tumama sa Afghanistan kung saan nasa 60 pang katao ang nasugatan.

Ayon kay Information and Culture Department Head in Paktika Mohammad Amin Huzaifa, inaasahang tataas pa ang bilang nito.

Sa isang Tweet, nanawagan naman ng tulong si government spokesman Bilal Karimi sa mga aid agencies para sa mga naapektuhan ng naturang insidente.

Samantala, sinabi ng mga opisyal doon na ilalabas nila ang iba pang detalye kaugnay sa nasabing malakas na lindol. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.