40% ownership ng China sa NGCP, ikinabahala ng ilang senador

Nanindigan si  National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) assistant corporate secretary Ronald Dylan Concepcion na hindi magdudulot ng national security threat ang 40% ownership ng State Grid Corporation of China sa NGCP.

Ito ay matapos siyang tanungin ni Senador Raffy Tulfo kung sang-ayon ba siya sa inaalala ng intelligence community na ang share ng China sa naturang ahensya ang maglalagay sa bansa sa panganib kaugnay sa mga ulat na may access umano ang China sa energy transmission facilities.

Tanong ni Tulfo: dahil ba sa kakayahang ma-access ng China ang NGCP, pwedeng isabotahe ang Pilipinas gaya ng nangyari sa Russia at Ukraine, lalo na sa nangyayaring sigalot sa pagitan ng China at Pilipinas dahil sa WPS?

Bwelta rin ni Senadora Risa Hontiveros, hindi madaling sabihin na hindi national security threat na may ibang bansa – na state-owned enterprise, na may obligasyon sa pangongolekta ng impormasyon, at ibigay ang mga nakalap tungkol sa bansa sa gobyerno sa Beijing.

Sa huli, iginiit ni Tulfo na kailangan nang maibalik ang NGCP ownership sa gobyerno, lalo na sa National Transmission Corporation  at hindi sa  state grid at private firms ng China. //SM edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *