41 cruise ships, nakatakdang dumaong sa MIMAROPA ngayong taon- NEDA

Inanunsyo na National Economic and Development Authority (NEDA) Regional Office MIMAROPA na ngayong taon ay may darating na apatnapu’t isang cruise ships sa rehiyon.

Ito ay tutungo sa mga probinsya ng Mindoro, Marinduque, Romblon at sa Palawan.

Sa Puerto Princesa, may darating na dalawampu’t dalawang kamangha-manghang cruise ship lulan ang nasa 34, 000 na pasahero ngayong taon.

Kaugnay nito, kaninang umaga ay dumaong sa pantalan ng Lungsod ang Seabourn Encore na kauna-unahang cruise ship na bumisita sa Lungsod ngayong taon matapos ang dalawang taong pandemic.

Samantala, ang Department of Tourism- Mimaropa ay nakikipa-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang mapalakas pa lalo ang sektor ng turismo sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *