415 na mga bagong kaso, 36 recoveries at isang pagkasawi sa covid-19, naitala sa Bicol kahapon

BICOL – UMABOT sa 415 ang mga bagong kaso ng covid-19 na naitala sa Bicol kahapon daan para pumalo na sa 51,512 ang cumulative cases ng sakit sa rehiyon.

Mula sa naturang bilang, ang lalawigan pa rin ng Camarines Sur ang nagtalaga ng pinakamaraming bagong kaso na umabot sa 333 kung saan mayroong 128 ang Naga City; 25 bagong kaso ang Pamplona; 23 sa Nabua; may 19 ang Pili; 18 sa Tigaon; 14 naman sa Iriga City; mag tig-11 ang Bato at Canaman; 10 sa Caramoan; tig-pito ang Baao at Goa, tig-anim aang Libaman at Milaor, Camaligan, Minalabas, Ocampo at Sipocot na may tigli-lima; tig-apat ang Calabanga at San Jose; tig-tatlo ang Bula at Gainza; tig-dalawa naman ang Lagonoy, Pasacao at Tinambac habang may tig-iisang mga bagong kaso ang mga bayan ng Balatan, Bombon, Buhi, Lupi, Presentacion, Ragay, San Fernando at Siruma.

Sinundan naman ito ng Albay na mayroong 65 na mga kaso kung saan 31 nito ang naitala sa Camalig; 13 sa Daraga; 10 sa Legazpi City; 5 sa Tabaco City; Bacacay na may 4 at may tig-isang kaso ang Guinobatan at Libon.

Nagtala naman ng 7 bagong kaso ang Sorsogon kung saan 3 ang mula sa Bulan, 2 sa Sorsogon City at may tig-isa ang mga bayan ng Castilla at Maatnog.

Tatlo naman ang bagong nagpositibo sa islang lalawigan ng Masbate kung saan may tig-iisang kaso ang mga bayan ng Aroroy, Palanas at Baleno habang may tatlo ring bagong kaso ang Camarines Norte, kung saan dalawa ang nagmula sa Sta. Elena at my isang bagong kaso ang Vinzons.

Mayroon namang dalawa ang Catanduanes na magmula sa mga bayan ng Baras at Bato habang mayroon ding dalawang kaso na nagmula sa labas ng rehiyon ngunit naitala sa Bicol.

Samantala, nagtala naman ng 36 na mga bagong gumaling kahapon dahilan para umakyat na sa 43,364 ang total recoveries, habang isa ang bagong nasawi kung kaya’t sa ngayon, umaabot na sa 2,003 ang total death toll ng sakit sa Kabikulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.