42 drivers huli sa unang araw ng No Helmet No Travel Policy sa Koronadal

KORONADAL CITY- UMABOT sa 42 mga drivers ang nahuli ng Koronadal City Police Traffic kasama ang City Traffic Management Office o CTMO-Koronadal sa unang araw ng full implementation ng No Helmet No Travel Policy sa lungsod kahapon.

Ito ang inihayag ni Police Master Sergeat Leo Dimaculangan, hepe ng city police traffic sa panayam ng Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Dimaculangan, na sa kabila ng kanilang implementasyon ikinagagalak umano nito na marami na ang nagsusuot ng helmet na mga motorista sa lungsod.

Dagdag pa ni Dimaculangan na kabilang sa kanilang mga nahuli ang mga habal-habal driver’s na nagpasakay ng mga empleyado sa mga mall na ayaw magsuot ng helmet kahit may dalang helmet pa ang mga driver para sa mga ito.

Nilinaw naman ng opisyal na hindi na kailangan ng mga driver at pasahero ng mga topdown na magsuot ng helmet dahil ayon sa batas kabilang ang mga ito motorcycle with side na hindi obligadong magsuot ng mga helmet ngunit kailangan may mga driver’s licensed ang nagmamaneho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *