42, patay sa sagupaan sa Gaza; Netanhayu, nagbabala na tatagal pa ang giyera

Patay ang 42 tao habang tatlong gusali na ang napabagsak mula sa airstrikes ng Israel sa Gaza.

Ang nasabing bilang ay base sa ulat ng Palestenian medics kaugnay sa pinakamadugong karahasan na nangyari sa kasaysayan ng Israel at Palestine.

Sa isa naman televised address ay sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanhayu na magpapatuloy ang ikaapat na giyera nito laban sa militanteng grupo na Hamas na may hawak sa Gaza.

Iginiit ni Netanhayu na gagamit pa rin ang Israel ng “full force”.

Binigyang diin ni Netanhayu na pagbabayarin ng Israel ang Hamas ng malaki.

Hindi rin nagpapigil ang Hamas sa pagpapalipad nito ng rockets mula sa civilian areas sa Gaza papunta sa civilian areas ng Israel.

Meron pang isang rocket ang tumama sa isang synagogue sa southern city ng Askeleon ilang oras bago ang evening services para sa isang Jewish holiday.

Tiniyak naman ng mga otoridad na walang nasaktan sa pag-atake.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *