42-points ni Davis susi sa panalo ng Lakers vs Suns

Binuhat ni Anthony Davis ang Los Angeles Lakers para muli itong ibalik sa winning column matapos talunin ang Phoenix Suns 123-110.

Nagtala si Davis ng 42 points, 12 rebounds, at 5 assists.

Maliban dito nagpamalas din ito ng magandang depensa at kumuha ng 3 steals at 3 blocks.

Pinakain ng alikabok ng Lakers ang Suns na nanatiling naghahabol hangang sa matapos ang huling segundo.

Samantala nag-ambag naman si Alex Caruso ng 17 points at 8 assists para sa LA.

Sa panig ng Phoenix nanguna si Cameron Payne sa scoring na kumakada ng 24 puntos habang may 21 puntos naman si Devin Booker.

Sa kabila nang panalo nanatiling nasa 7th spot pa rin ang Lakers sa Western Conference standing at nanganganib na makasama sa play-in tournament para tuluyang makapasok sa NBA playoffs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *