Hindi bababa sa 44 ang nasawi habang marami ang naitalang sugatan sa nangyaring stampede sa ginanap na Lag B’Omer festival at Mount Meron sa northern Israel.
Ang mga namatay ay pawang mga Orthodox Jewish worshippers na dumalo sa naturang religious gathering.

Sa report ng Magen David Adom (MDA), ang rescue service ng Israel maliban sa mga nasawi nasa 38 pa ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa trahedya.
Batay sa inisyal na ulat sinasabing nagsimula magkagulo matapos mag-collapse ang isang bahagi ng stadium.
Sa isang twitter post tinawag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang pangyayari bilang ‘heavy disaster’ at sinabing, ‘We are all praying for the wellbeing of the casualties.’ (LEY BAGUIO)
