43 BI officers na umano’y dawit sa ‘outbound pastillas’, sinibak na

Sinibak na ng chief g Bureau of Immigration (BI) ang 43 immigration officers na umano’y dawit sa trafficking ng mga Filipino workers papuntang Syria.

Kaugnay nito, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na inirekomenda na rin nila sa Department of Justice (DOJ) na makasuhan ang naturang mga opisyal ng grave misconduct at gross neglect of duty, at iba pa.

Matatandaan na ang fact-finding committee ng BI ay binuo matapos na tumestigo ang apat na mga Filipino trafficking victims noong Marso sa Senate committee na may ilang immigration officers na umano’y nakatanggap ng suhol mula sa mga recruiters na nagkakahalaga ng P50,000 para sa bawat isang worker na nailabas sa bansa.

Pagbubunyag pa ng mga biktima, naipadala sila sa Syria noong sila ay mga menor de edad pa lamang. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *