P54.6-B pension fund para sa mga retired uniformed personnel, kasama sa Bayanihan 3 bill

Ibinahagi ng isa sa mga principal authors ng Bayanihan 3 na kasali sa panukala ang P54.6 billion pension at gratuity fund para sa mga retiradong uniformed personnel.

Sa ilalim ng Chapter VI, Section 27 ng substitute bill ng Bayanihan to Arise As One Act o Bayanihan 3, nasa P54.6 billion ang inilaan para sa pagbabayad ng pensyon ng mga retiradong military uniformed personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).

Ang pension at gratuity fund ay ilalabas sa tatlong phases na binubuo ng P20 billion para sa Phase 1, P20 billion para sa Phase 2, at P14.6 billion sa Phase 3.

Paliwanag ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, ang naturang pondo ay hiniling ng Department of Budget and Management, matapos ang naturang halaga ay mabawas sa 2020 budget na kailangang maibalik.

Tinutukoy ni Quimbo ang P74 billion budget cut sa pension at gratuity funds para sa mga uniformed personnel sa 2020 national budget. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *