459 na mga bagong kaso at 17 recoveries sa COVID-19, naitala sa Bicol kahapon

BNFM BICOL—Umabot sa 459 ang mga naidagdag sa bilang ng COVID-19 cases sa Bicol kahapon.

Batay sa inilabas na ulat ng Department of Health, nasa 214 ang mga bagong kasong naitala sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan 92 nito ang mula sa Naga City; 17 sa bayan ng Pili; 14 sa Iriga City; tag sampo ang Cabusao at Nabua; tag pitong kaso ang Pamplona at Sipocot; tag a-anim ang mga bayan ng Baao, Magarao at Tinambac; tag aapat na kaso ang mga bayan ng Camaligan, Libmanan at San Fernando; tagta-tatlo ang mga bayan ng Bato, Canaman, Milaor, Buhi, Bula, Lupi, Minalabac, Pasacao at Ragay habang may tag iisa naman ang mga  bayan ng Bombon, Caramoan, Gainza, Lagonoy, Presentacion at San Jose.

Nasa 85 bagong kaso naman ang naitala sa Albay kung saan 34 nito ang mula sa Legazpi City; 14 sa bayan ng Daraga; 12 sa Tabaco City; lima sa Malilipot; tag ta-tatlong kaso ang mga bayan ng Bacacay, Polangui at lungsod ng Ligao; tag da-dalawang kaso ang Guinobatan, Malinao, Rapu-Rapu at Pio Duran at tag-iisa naman ang mga bayan ng Libon, Oas at Tiwi.

Samantala, may 83 kaso naman ang Sorsogon kung saan 31 nito ang mula sa Sorsogon City; sampo sa Irosin; siyam sa Bulan; pito sa Juban; tag-limang kaso ang bayan ng Casiguran at Gubat; apat sa Bulusan at Pilar; tag dalawa ang Donsol at Prieto Diaz at tag iisang kaso ang naidagdag sa mga bayan ng Barcelona, Castilla, Matnog at Santa Magdalena.

Umabot naman sa 61 ang naitalang bagong kaso ng sakit sa Camarines Norte kung saan 16 nito ang mula sa bayan ng Daet; sampo sa Labo; siyam sa Basud; pito sa Vinzons; anim sa Santa Elena; lima sa Paracale; tatlo sa Jose Panganiban; pawang dalawa sa Mercedes at Talisay at may isa sa bayan ng Vinzons.

Sa mga islang lalawigan ng rehiyon, 14 na kaso ang naitala sa Catanduanes kung saan anim nito ang mula sa bayan ng Viga; apat sa Virac; dalawa sa Pandan at tag isa ang Bagamanoc at Caramoran.

May dalawang kaso naman ang Masbate na mula sa Masbate City at Palanas.

Bunsod nito pumapalo na sa 49,820 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan 4,531 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.

17 naman ang naidagdag sa bilang ng mga gumaling kung kaya’t nasa 43,288 na ang COVID-19 recoveries sa Bicol habang nananatili naman sa 2001 ang mga nasawi.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *