46 emergency responders sa mga convergence areas sa So.Cot, sinanay sa basic first aid

KORONADAL CITY- ISINAILALIM sa Basic First Aid Training ang 46 na mga emergency responders sa mga convergence areas ng South Cotabato.

Ang naturang training ay pinangunahan ni Provincial Disaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO at Bureau of Fire Protection.

Sa pamamagitan nito, mapapaigting pa ang kaalaman at kapasidad ng mga responders sa pagbibigay ng first aid sa panahon ng emerhensya lalo na sa mga far flung communities sa lalawigan.

Nakatanggap din ang mga partisipante ng first aid kit na kanilang magagamit sa pagbibigay ng medical assistance.

Nagsimula na din ang training sa 2nd batch ng mga mga responders.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *