46 na former rebels sa lungsod nairehistro na sa DOLE at DA

SORSOGON CITY – Nabigyan ng pagkakataon na mairehistro na sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Agriculture (DA) ang aabot sa 46 na former rebels (FRs) sa lungsod.

Sa isinagawang orientation na inorganisa ng Philippine Army Civil Military Operations sa Barangay Bitan-o nitong nakatalikod na linggo, isinabay na dito ang aktibidad ng pagbibigay ng daan para mailapit sa grupo ang oportunidad na makapagtrabaho at makatanggap ng benipisyo mula sa pamahalaan.

Ayon sa focal person ng PSWDO Sorsogon na si Aida Alcantara, ilan sa mga benepisyo na maaring matanggap ng mga FRs ay immediate assistance na P15K, pangkabuhayan assistance, reintegration assistance at iba pang tulong ng gobyerno.

Samantala, nakiusap naman si Alcantara na huwag sanang i-discriminate ang mga FRs, bagkus ay dapat na bigyan ng suporta ng komunidad ang mga ito upang makapagtrabaho ng maayos at makapagbagong buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *