46 nasawi matapos masunog ang bus sa Bulgaria

Umabot sa 46 na tao ang nasawi kabilang ang 12 bata habang pito lamang ang nakaligtas sa nasunog na bus makaraang maaksidente sa Bulgaria.

Ayon sa report, karamihan sa mga sakay ng bus ay mga turistang Macedonian.

Sa inisyal na ulat, bumangga sa barrier at nagliyab ang bus habang pabalik na ito sa North Macedenia mula sa Istanbul Turkey.

Dahil sa pangyayari, idineklara ni Macedoniam Prime Minister Zoran Zaev ang tatlong araw na pagluluksa bilang pakikisimpatya sa mga nasawi at pamilya ng mga ito.

Sa salaysay ng ilan sa mga nakaligtas, karamihan sa mga pasahero ay tulog nang mangyari ang aksidente.

Masuwerte lamang aniya silang nakatalon mula sa binasag na bintana ng bus kasama ng iba pang survivor.

Kinumpirma naman ng Bulgarian authority na hindi pa malinaw sa kanila kung nasunog ang bus bago ito bumangga o nasunog ito dahil sa pagbangga sa barrier.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *