46% Pinoy, naniniwalang gaganda ang ekonomiya sa PH; 51% umaasang gaganda ang buhay sa susunod na anim na buwan

Naniniwala ang 46 percent ng mga Pilipino na gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na anim na buwan, batay resulta survey ng OCTA Research.

Sa “Tugon ng Masa” (TNM) National Survey, na isang independent at non-commissioned poll na regular na isinasagawa ng OCTA Research, mula Oct. 23 hanggang 27, lumalabas din na 38 percent ang nakikitang ang ekonomiya ay mananatili habang 10 percent ang nagsabing lalala.

Sa parehong survey, halos kalahati ng mga Pilipino ang umaasang gaganda ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na anim na buwan sa 51 percent, six percent ang nagsabing lalala, habang 40% ang nagsabing manananatili.

Ang mga umaasang gaganda ang kanilang buhay sa susunod na anim na buwan ay mataas sa Visayas (65 percent optimist, four percent pessimist), sinundan sa Metro Manila (55 percent optimist, eight percent pessimist), ibang bahagi ng Luzon (49 percent optimist, three percent pessimist) at sa Mindanao (42 percent optimist, 10 percent pessimist). //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *