462, 024 na Cam Norteños rehistrado na sa PhilSys, Calaguas Island binalikan ng PSA team para sa registration at distribution ng ePhilIDs

CAMARINES NORTE- Aabot sa  462, 024 na Cam Norteños na limang taong gulang pataas ang rehistrado na sa Philippine Identification System o PhilSys.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA)  85. 71 % ito ng target na 539, 054.

Umaabot naman sa 199, 451 na ePhilIDs ang inisyu ng PSA mula noong nakaraang taon makaraang madagdagan ng 96,204 simula Enero hanggang Abril ng taong kasalukuyan.

Ang ePhilID ay ang digital version ng PhilID na naka-print sa papel na may parehong validity sa physical PhilID card.

Ang mga rehistradong indibidwal na mayroong nang PhilSys Number (PSN) ay maaari nang mag avail ng ePhilID na gamitin habang hinhintay ang pagdating ng physical ID card.

Noong nakaraang buwan ay tinungo ng PhilSys team ang Calaguas Island sa bayan ng Vinzons bilang bahagi ng 10th Information Caravan na pinagunahan ng Camarines Norte Communication Network katuwang ang Lokal na Pamahalaan.

Nagsagawa ng information dissemination patungkol sa kahalagahan ng national ID si PhilSys Focal Person Mary Jane Laviña.

Dito ay ipinaliwanag ni Laviña ang mga benepisyo at gamit ng PhilID, security features, status ng PhilID gamit ang Philpost Tracking at iba pa.

Nasa 265 ePhilIDs ang naipamahagi sa naturang aktibidad sa isla, 144 dito ay sa Banocboc, 33 sa Mangcawayan at 88 sa Pinagtigasan.

Nagpapatuloy naman ang Institutional Registration at issuance ng printed ePhilIDs sa mga eskawelahan.

Nasa 7, 357 na estudyante at personnel ang nairehistro mula sa 153 eskwelahan sa lalawigan na nabisita ng PhilSys team mula June 2022 hanggang April 2023.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Registration Officer Tweetums Argoso ang tungkol sa mga registration concerns at kung papano mag- file para sa pagtatama ng civil registry documents.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *