47k na mga domestic workers na unang magtatrabaho sa Kuwait, apektado ngayon ng partial deployment ban

Apektado ng partial deployment ban sa Kuwait ang tinatayang 47,000 na mga Pinoy unang beses lang magtatrabaho roon bilang domestic workers.

Ayon kay Department of Migrant Workers Undersecretary Hans Leo Cacdac , na nasa 47,000 OFW ang pumunta sa Kuwait noong 2022 at ang parehong bilang ng mga manggagawa ay inaasahang maaapektuhan ng targeted ban.

Hindi muna aniya nila aaksiyunan ang kanilang aplikasyon at kontrata habang pinalalakas ang monitoring, reporting, at response mechanism para sa mga OFW sa naturang bansa.

Pero paglilinaw ni Cacdac na hindi sakop ng suspensiyon ang mga nakakuha na ng Overseas Employment Certificate.

Una nang sinabi ng DMW na sila’y nakikipag-ugnayan na sa Kuwaiti authorities para pag-usapan ang pagpapalakas sa proteksiyon ng mga OFWs doon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *