48-anyos na construction worker, patay sa sakal ng kainuman sa Infanta, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos umano itong sakalin ng nakainuman sa Sitio New Little Baguio, Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon nitong Lunes, Abril 10.

Kinilala ang biktima na si Alex Resgonio, 48-anyos, construction worker at residente ng naturang lugar habang ang mga suspek na kainuman noon nito ay pinangalanang sina Dudz Delloso, alyas “Dodoy”, Caren Mustasa, Jomer Astoveza, Noel Gulod, alyas “Wela”.

Sa pahayag ng isang saksi, magkakasama umano silang nag-iinuman sa tahanan ni alyas Dodoy nang magkaroon ng argumento sa pagitan ni Alex at ni Dodoy.

Lumabas umano ang saksi upang umihi subalit sa gitna nito, doon na siya nakarinig siya ng basag na salamin mula sa bahay.

Nang makabalik na ang naturang saksi, doon na niya nakita si Caren na may hawak na kutsilyo at si Dodoy habang sinasakal ang biktima.

Agad na kinuha ng saksi ang kutsilyo mula kay Caren at itinapon ito sa labas ng bahay saka humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Agad na rumesponde ang mga personahe ng AFP at RFMB-4A subalit doon na natagpuan ang biktima na nakahandusay at wala ng buhay.

Samantala, natagpuan naman sa crime scene ang electric wire, microphone cable at charger cord na ginamit ng mga suspek sa pagsakal sa biktima.

Kasalukuyan ng pinaghahanap ang naturang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong Murder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *