48-anyos na lalaki, patay matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Lucena City

Patay ang isang lalaki matapos itong barilin ng hindi pa natutukoy na suspek sa Maharlika Highway, Barangay Isabang, Lucena City nitong umaga ng Miyerkules, Mayo 10.

Kinilala ang biktima na si Dennis Avendano Amat, 48-anyos.

Ayon sa report, nagmamaneho noon ng motorsiklo ang biktima pauwi sa kanilang tahanan nang barilin ito ng mga suspek.

Agad na isinugod sa pinakamalapit na hospital ang biktima ngunit idineklara rin itong dead on arrival.

Samantala, tumakas naman ang naturang mga suspek patungo sa direksyon ng Sariaya, Quezon. Kasalukuyan pang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *