4K dagdag na Sinovac dumating na sa Naga; 600 doses ng Moderna darating ngayong araw

NAGA CITY – Dumating na sa Naga City kahapon ang 4,000 na doses ng Sinovac vaccines at ito ay nakatakdang iturok sa mga natitira pang nasa kategoriyang A1 hanggang A3 priority.

Ito ang inanunsyo ni Naga City Mayor Nelson Legacion na inulan naman ng mga komento na galing sa mga naghihintay na naka pag rehistro na subalit hindi pa bakunado.

Marami an nagtatanong sa mga netizens kung kailan naman ang A4 category.

Bukod sa 4,000 sa nasabing brand, ngayong araw inaasahan din an pagdating ng 600 doses ng Moderna vaccines.

Ang mga bakunang ito ay lahat ituturok sa mga naka-schedule ng mga nasa nabanggit ng kategoriya na hanggang ngayon ay hindi pa rin maubos ubos dahil nga sa isyung namimili ng brand ng bakuna ang naturang mga resipiente.

Ang panawagan lamang ng opisina ng alkalde ay magpa rehistro na on-line o kaya magpatala sa mga barangay health centers para maisama sa mga mababakunahan.

Samantala sa inilabas namang datus ng Health Emergency Response Task Force,dalawa lamang ang positibo sa COVID-19 sa lungsod kahapon na kinabibilangan ng isang housewife na taga Barangay Igualdad  at isang government employee na taga Barangay San Felipe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *