4Ks Project ng DA RO2, inilunsad; 2 tribo, nakatanggap ng agricultural interventions

Inilunsad ng Department of Agriculture Region 2 katuwang ang LGU Gonzaga, Cagayan ang 4ks project o Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo kahapon, August 3,2021.

Ito ay para sa mga katutubong Agtas mula sa Sitio Bagsang, Barangay Sta. Clara at Sitio Cavadeco, Barangay Cabiraoan.

Layunin ng 4k project na mabigyan ng tulong pangkabuhayan ang mga katutubo kung saan 2 tribu ng mga Agtas ang benepisaryo ng ahensya.

Ilan sa natanggap ng dalawang tribu ay ang mga alagang hayop na kinabibilangan ng kalabaw, native chicken at muscovy duck.

Nakatanggap din ang mga ito ng itatanim na Hybrid yellow corn seeds maging ng jabber planter, commercial poultry grower feeds, organic fertilizer at inorganic fertilizer,

Kabilang din dito ang mga seedling ng prutas at gulay tulad ng rambutan, mangga, lansonez, cacao, langka, mandarin, lemon, pummelo, ampalaya, squash, sweet pepper snap beans, kamatis, okra, talong at pole sitao.

Ang nasabing mga Agricultural interbensyon na ibinahagi ng ahensya ay nagkakahalaga ng 1,396,452 pesos.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Chieftain Wilfredo Sibayan ng Agtas Tribe sa Sitio Bagsang sa ibinigay na pangkabuhayan ng DA R02 at nakaabot rin aniya sa mga katutubong agta ang mga programang pang-agrikultura na malaking tulong sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *