4S, hindi sapat ang paraan para maresolba ang degue

Iginiit ni House Deputy Majority Leader at dating Health Secretary Janette Garin, na hindi sapat ang 4S strategy ng gobyerno para maresolba ang dengue.

Ayon kay Garin dapat patayin ang mga lamok at linisin ang kapaligiran pero ilang dekada na itong ginagawa at paulit-ulit na sinasabi ng World Health Organization ngunit hindi pa rin sapat, dahil mas mabilis ang pagbago ng mga lamok kesa sa pagpatay at paghabol sa mga ito.

Hinimok ni Garin ang gobyerno na gawing available ang bagong bakuna laban sa dengue kahit sa pribadong sektor, kapag naaprubahan na ng Food and Drug Administration.

Inaasahan ng Health Secretary Teodoro Herbosa na maaaprubahan ng FDA ang anti-dengue vaccine na binuo ng Japanese pharmaceutical company na Takeda sa loob ng taon. (BRIGADA NEWS INTERN-HANNAH MAGNAYE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *