4th edition ng Trade Tayo ng DTI-Isabela, nagsimula na

Nagsimula na ang ika-apat na edisyon ng Trade Tayo ng Department of Trade and Industry kahapon, September 13, 2021 na magtatagal hanggang September 19,2021 sa Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brogada News FM Cauayan sa DTI Isabela, ang nasabing provincial trade fair ay may temang” Tangkilikin Produktong de kalidad ng Isabela sa gitna ng pandemya”.

Ito ay pitong araw na trade fair hybrid edition kung saan patok ang mga produkto ng Isabela MSME maging sa virtual setting o online.

Katuwang ng DTI-Isabela sa programang ito ang lokal na pamahalaan ng Santiago City.

Tiniyak naman ni DTI-Isabela Provincial Director Winston Singun na magpapatuloy ang ahensya sa pagsasagawa ng mga programang masusuportahan ang mga MSME sa lalawigan upang mapalago ang kanilang negosyo.

Kinilala naman ni DTI Regional Director Leah Ocampo ang mga MSME bilang katuwang ng pamahalaan sa muling pagpapalago ng ekonomiya ng bansa dahil 98% umano sa mga negosyante sa bansa ay mga MSME.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *