5-anyos na bata, nalunod-patay sa Naga City

NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang isang 5-anyos na bata sa Naga City.

Sa ulat ng Naga City Police Office bandang alas-4 Sabado ng hapon, Oct. 29 , naglalaro ang batang si “Ralph” at nagseselfie sila ng 29-anyos na Tita na si “Josie” , maya-maya bigla na lamang mahulog sa creek ang bata at matangay ng rumaragasang agos ng tubig sa spillway ng Urban Poor.

Alas-8 ng gabi nang magreport sa PNP. Nagtulong-tulong ang mga personahe ng Police Station 4, Barangay Tanod, Philippine Coast Guard at CDRRMO. Bandang alas-2 nang hapon nitong linggo, nakuha na ang bata sa ilog na sakop ng Pacol-San Felipe boundary.

Sa nakuha pang impormasyon ng BNFM, tinanggal umano ng bata ang kaniyang tsinelas at dumiretso sa nag ooverflow na tubig sa spillway. Nakita ito ng isang residente na inaanod na, agad na humingi ng saklolo pero hindi na naabot pa ang bata, bagay na iniimbestigahan pa ng PNP.

Nasa poder ang ama ang bata. Ang kasama naman nitong Tita ay live-in partner ng kaniyang Tito. Iyon na pala ang huling selfie.

Tumanggi na ang ama ng bata sa isailalim sa otopsiya ang bangkay. Tumanggi munang magpainterview ang ama ng  bata.

Ayon kay City Director PCol. Nelson Pacalso aksidente ang nangyari at hindi konektado sa Bagyong Paeng.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *