Categories: Local NewsLuzonNaga

5-anyos na bata sa Naga City, nalunod, patay

NAGA CITY – Wala ng buhay nang matagpuan ang isang 5-anyos na bata matapos na malunod sa Naga River.

Napag-alaman kay Lt. Noel Cortes, Intel Operations ng Philippine Coast Guard Auxillary 907 Squadron, isang tawag ang natanggap nila noong nagdaang Hunyo 8, 2023 sa ganap na 3:45 ng hapon kaugnay ng pagkakalunod ng isang bata sa ilog kung kaya, dali-dali silang nagtungo sa lugar sakay ng kanilang floating asset, subalit bigo ang mga itong makuha ang katawan ng bata, inabutan na ang grupo ng dilim kasama pa ang ilang rescue teams sa Naga.

Samantala bandang 9:20 ng umaga kahapon ng matagpuan ng Search and Rescue Team ng PCGA ang palutang-lutang na bangkay ng biktima sa may bahagi ng ilog na sakop ng Tarosanan, Camaligan, Camarines Sur.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na nadulas umano ang bata nang paakyat na ito matapos na dumumi sa may ilog, bagay na pinatotohanan naman ng isa sa mga kalaro nito at huling nakasama ng biktima bago mangyari ang insidente.

Samantala, aminado naman si Rina Cascabel, ang ina ng biktima na malaki ang kanyang pagkukulang bilang Ina dahil hindi nito nabantayang maigi ang kanyang anak.

BNFM Naga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

15 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

15 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

15 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

15 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

15 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

16 hours ago