5 bagong kaso ng Covid-19, naitala ng lalawigan ng Sorsogon kahapon

SORSOGON CITY – Nakapagtala ng limang bagong kaso ng covid-19 ang lalawigan ng Sorsogon sa kasagsagan ng pagguita sa Undas kahapon, Nobyembre 1.

Sa datos ng Provincial Health Office (PHO) dalawa sa mga bagong kaso ay pawang mga health care workers habang tatlo naman ang nahawaan o walang mga travel history kung kayat sa kabuuan, mayroong 30 aktibong kaso ngayon ang buong lalawigan.

Wala namang naiulat na bagong kaswalti habang apat naman ang gumaling at 29 na indibidwal naman ang nag negatibo sa swab test.

Ang lalawigan ay nakakapagtala na ng kabuuang 8,980 Covid-19 cases at 484 total death toll.

DOH Sorsogon, patuloy ang panawagan sa publiko na magpaturok ng booster

Mapagturok pa rin ng booster dose, ito ang patuloy na panawagan ng pamunuan ng Department of Health (DOH) Sorsogon sa publiko.

Sa pahayag ni DOH Sorsogon head Dr. Gladys Escote, sinabi nito na bagama’t ang makapagbakuna ng una at pangalawang dose ay maituturing ng proteksyon subalit mas magiging sobrang epektibo umano ito kung magpapaturok pa rin ng booster shot.

Paliwanag nito ang Covid virus kasi umano ay patuloy sa pag-evolve at pagmutate kung saan marami nang mga variants nito ang nagsusulputan kung kaya lubhang mahalaga na masigurong protektado laban sa nasabing sakit kung saan kanyang siniguro na ang mga available vaccines ay epektibo pa rin laban sa mga bagong variants ng nasabing sakit.

                                                                                                                                                                         

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *