5 bansa ikinasa ang”living with COVID” strategy

Matapos ang 18 buwan mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic, nagpasya ang limang bansa na magbukas at i-adopt ang “living with COVID” model.

Katwiran ng ilan sa mga bansang kabilang na ang halaga ng nawawala sa patuloy na economic at social restrictions.

Kabilang sa mga bansang ito ang Denmark, Singapore, Thailand, South Africa at ang Chile.

Ayon sa report, maaari nang magtungo sa mga nightclubs at restaurant ang mga Danes kahit walang ipapakitang COVID passport habang maaari na silang sumakay sa public transport nang walang pantakip sa mukha tulad ng mask at face shield at maaari na din ang large gatherings.

Itinuturing na susi naman sa nasabing hakbang ang vaccination rollout ng Denmark.

Matatandaan na buwan pa lamang ng Hunyo nang i-anunsyo ng Singapore na plano nitong isulong ang “living with COVID” strategy.

Samantala, sa susunod na buwan naman ay inaasahang bubuksan na ng Thailand ang Bangkok at iba pang kilalang pasyalan ng mga turista.

Nilinaw naman ng limang bansa na hindi nila inaalis ang banta ng Delta variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *