5 barangay sa Legazpi City, pinulong ng alkalde para sa mahigpit na pagpapatupad ng pagbawal sa pagpasok sa 6km PDZ

LEGAZPI CITY – Naghahanda na ang City Local Government Unit ng Legazpi sa posibilidad na pagtaas ng alert level status ng bulkang Mayon.

Ayon kay City Mayor Carmen Geraldine Rosal, kailangang mahigpit na ipatupad ng mga lider ng barangay ang pagbawal sa pagpasok sa 6km PDZ.

Ipapa-validate nito kung mayroon pa umanong naninirahan sa loob ng PDZ, ngunit palalawigin hanggang sa 8 kilometer ang danger zone sa ilalim ng alert level kung kayaโ€™t may mga apektadong pamilya na kailangang ilikas.

Sinabi pa ng alkalde, inaalam pa nila mula sa CDRRMO sa pamumuno ni OIC Engineer Miladee Azur, ang kabuuang bilang ng mga maaapektuhang pamilya mula sa mga barangay ng Buyoan, Bonga, Padang, Matanag at Mabinit upang paghandaan ang pangangailangan tulad ng relief goods at evacuation centers.

Ang listahan daw kasi ng population at risk na meron ang LGU ay bilang paghahanda sa bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *