5 dayuhang kasama sa mga nahuli noon sa POGO hub raid sa Pasay, naghain ng ‘not guilty’ plea

Naghain ng “not guilty” plea sa Pasay City Regional Trial Court Branch 111 ang limang dayuhan na nasangkot sa POGO hub raid sa Pasay nitong nakaraang Agosto.

Kaugnay ito sa kasong isinampa sa kanila na paglabag sa RA 9899 o Securities Regulation Code na pinagbabawalan ang bawat indibidwal na makisali sa mga negosyo na namimili o nagbebenta ng mga securities sa Pilipinas bilang isang broken o dealer, ngunit hindi nakarehistro sa Securities and Exhange Commission (SEC).

Maalala, nasa 650 ang nahuling trabahador sa sinasabing POGO hub na nagsasagawa ng love scam at “pig butchering”, kung saan 464 rito ay Pilipino at 186 naman ang dayuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *