5 doktor sa Romania, iniimbestigahan ngayon dahil sa hinihinalang paggamit ng medical implants mula sa mga patay na pasyente

Binuksan ngayon ng Romanian prosecutors ang imbestigasyon sa limang doktor dahil sa hinihinalang paggamit ng medical implants na kinuha umano mula sa mga patay na pasyente.

Isa sa limang doktor, na nagtatrabaho sa isang ospital sa eastern Romanian ang dinala sa kustodiya ng mga awtoridad habang hinihintay ang pagsisiyasat sa abuse of power at pagkuha ng suhol.

Sinabi ng mga prosecutors , na pinangasiwaan ng hindi pinangalanang doktor ang isang network ng apat na iba pang physicians na nagbibigay sa kanya ng mga cardiac implants na kinuha mula sa mga namatay na pasyente nang walang paunang pag-apruba mula sa kanilang mga pamilya.

Inakusahan rin ang mga ito na nagsagawa ng 238 surgeries sa loob ng pitong taon mula 2017 at iligal na gumamit ng mga implants na isang malaking paglabag sa batas ng bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *