5 Filipino players, naimbitahan sa Basketball Without Borders Asia camp

Makikilahok ang limang Filipino players sa 12th Basketball Without Borders Asia camp sa Canberra, Australia ngayong buwan.

Ang National youth players na sina Caelum Harris, Jared Bahay at Camille Nolasco, kasama sina LA John Andres at Quinn Kacey Dela Rosa, ay kabilang sa 60 male at female players na may edad 18 taong gulang pababa mula sa Asia-Pacific ang naimbitahan sa programa.

Ang camp, na joint project ng NBA at International Basketball Federation (Fiba), ay gagawin sa NBA Global Academy sa Basketball Australia’s Centre of Excellence mula Aug. 7 hanggang 10.

Direktang matututo ang mga young players mula sa mga kasalukuyan at dating NBA, WNBA at Fiba players at coaches.

Kabilang sa mga mentors ngayong taon para sae BWB, ay sina NBA players Jarrett Allen, Josh Green, Cameron Johnson at Coby White, WNBA players Kristi Harrower atd Annie La Fleur at Australian national team player Jenni Screen.

Leave a Reply

Your email address will not be published.