5 kaso ng Rabies Infection naitala sa Naga City; isang human death nairecord

NAGA CITY- Limang rabies infections ang naitala ng Naga City Veterinary Office hanggang nitong ikatlong quarter ng taon, isa ang human death o nasawi dahil sa rabies.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni City Veterinarian Dr. Junius Elad Jr. sa kabila ng kanilang pinaigting na programa laban dito.

May house to house vaccination at nanghuhuli ng mga asong gala, subalit may nakakapasok aniya sa lungsod na mula sa mga katabing bayan sa Camarines Sur.Sa huling tala ng opisina, ang mga canine rabies ay mula sa Barangay Concepcion Pequeña, Dayangdang , Abella at dalawa sa Pacol.

Isang nakagat ng rabies infected na aso ang nasawi mula Enero. Kaya naman upang maiwasan ang parehong pangyayari, ngayong Oktubre, wala mang house to house vaccination para sa mga aso pinaplantsa na nina Dr. Elad ang schedule sa mga Barangay Hall. Mula Enero hanggang noong Mayo umabot na sa 12,000 na mga aso ang nabakunahan kontra rabies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *