Arestado ang limang katao sa ikinasang drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay sa Purok 2, Barangay Dap-dap, Legazpi City.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Aye”, 43 anyos na siyang target ng operasyon; “John” Mark, 32 anyos; “Jet”, 24 anyos; “Belen”, 48 anyos at “Kim”, 28 anyos at pawang residente ng nasabing barangay.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Noe Briguel ng PDEA Albay, sinabi niyang kumagat sa pain si Aye matapos pagbentahan ang poseur buyer ng pinaniniwalaang shabu.
Nang magkaabutan na ng item ay dito na inaresto ng mga otoridad ang suspek at narekober sa kanila ang iba pang drug items na aabot sa humigit-kumulang sa 10 gramo na aabot sa PHP65,000 ang market value.
Napag-alaman din umano na si Aye ay nagbebenta at nagpapagamit ng ipinagbabawal na ilegal na droga sa kanilang lugar.
Matagal na ring sinusubaybayan ng PDEA ang kilos nito at ang mga lugar na ginagawa nilang drug den.
Siya rin ay isang drug surrenderee at galing na rin sa rehabilitation program ng pamahalaan.
Sa ngayon ang suspek ay nasa kostudiya na ng PDEA Albay para sa kaukulang disposisyon.
BNFM Bicol-MAIKUKUNSEDERANG “Full Compliant” o sumusunod sa alituntuning pagpaskil ng mga kinakailangang mga dokumento ang…
Tinawag na 'absolute nonsense' ni Atty. Salvador Panelo na nagsilbing chief presidential legal counsel ni…
HUGOT gibawal sa labaw sa Traffic enforcement unit o TEU ang mga naga-illegal parking sa…
Umapela ang Philippine National Police (PNP) kay dating senador Antonio Trillanes na ilayo sila sa…
Nasa 104 na mga barko ng China ang namonitor ng Philippine Navy sa 7 isla…
Inanunsyo ng National Irrigation Administration na magbebenta sila ng P29 kada kilo ng bigas simula…