5 LGU sa So.Cot humiling sa DepEd na gawing COVID 19 facility ang mga paaralan

KORONADAL CITY- LIMANG mga local government units sa lalawigan ng South Cotabato ang nagsumite ng request sa Department of Education o DepEd South Cotabato Division na gawing isolation facility para sa mga COVID 19 positive ang mga paaralan sa kanilang lugar. Ito ang kinumpirma ni South Cotabato Schools Division Superintendent Ruth Estacio.

Ayon kay Estacio na sa ngayon, ang request pa lamang ng LGU Sto.Niño ang kanilang na-endorso sa DepEd Regional Office 12 para sa approval matapos na na-comply na nito ang mga requirements na itinakda sa DepEd order at Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines.

Maliban sa Sto.Niño, may katulad din na request ang Tantangan, Tampakan, Polomolok at Banga.

Napag-alaman na punuan na ang mga quarantine at isolation facilities sa ilang mga bayan sa lalawigan at ang mga paaralan ang kinokonsiderang gawin bilang dagdag na pasilidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *