Boluntaryong sumuko sa militar ang limang miyembro ng Abu Sayyaf sa tropa ng 45th Infantry Battalion sa ilalim ng 1103rd Infantry Brigade.
Ang pag suko ng mga dating Violent Extremist ay resulta ng isinasagawang collabirative Efforts na nasabing unit kasama ang Municipal Police Station at lokal na pamahalaan ng Patikul Sulu.
Ang mga sumukong ASG member ay kinilala na sina Bennajir, 24, kilala bilang dating tauhan ni Hajan Sawadjaan at Mudsrimar Sawadjaan mula taong 2015 hanggang 2022; Monib, 24, dati ring tauhan ni Basaron Arok at Radullan Sahiron mula taong 2019 hanggang 2022; Abdurahsi, 48, dating aktibong tauhan ni Abdul Moin Sahiron mula taong 2001 hanggang 2011; Rudy, 36, at dating tauhan ni Abdul Moin Sahiron mula taong 1999 hangga 2008, at si Sattari, 33, sa ilalim ng pamumuno ni Salip Salamuddin taong 2007 hanggang 2009.
Ayon sa kumander ng Joint Task Force Sulu Major General Ignatius Patrimonio Maliban sa kanilang sarili isinuko rin ng mga ito ang kanilang matataas na kalibre ng baril sa headquarters ng 45IB sa may Barangay Tugas sa Patikul.
Dagdag ni Major General Ignatuis Patrimonio mula noong buwan ng Enero umabot na sa 44 na miyembro na ng ASG ang sumuko sa Military Units ng Joint Task Force Sulu. BNFM Zamboanga
